Ang pelikulanng “Masahista”
kung saan ang pangunahing tauhan na si Illiac na siyang ginampanan ni Coco
Martin ay isang masahista. Nagbukas ang pelikula sa pagpasok ng isang customer
sa masahihan kung saan namimili ito ng magmamasahe sa kanya at siya nang pinili
si Illiac. Isa ang mga masahihang ito sa maramingmasahihan sa Maynila ang
nagoffer ng iba pang serbisyo maliban sa masahe. Maliban sa lugar na ito,
tampok din ng pelikula ang bayan ni Illiac sa Pampanga kung saan naroon ang
kanyang pamilya. Sa pagbalik ni Illiac ay natuklasan nito na namatay na ang
kanyang ama. Makikita ang hindi gaanong pagkaapektado ni Illiac sa pangyayaring
ito sapagkat sinabi niya na hindi naman sila inalagaan nito.
Maraming issue
and tinalakay sa pelikulang ito ukol sa usapin ng bakla. Una, ang pagiging MSM
nito kapalit ng pera o bayarang bakla. Pangalawa, ang imahe ng “sugar daddy”.
Nasabi ko na
naging MSM ang bakla sa pelikula kapalit ng pera kung saan ito ay pinanghawakan
ni Illiac. Ang trabaho ni Illiac bilang isang masahista ay bunga ng kahirapan.
Dahil alam namannatin na hindi gaano kalaki ang kinikita ng isang masahista,
nasubo si Illiac sa pagbibigay ng kanyang katawan bilang kapalit ng perang
bubuhay sa kanya at sa kanyang pamilya. Tulad nga ng tagpo kung saan sinabi
nito na iba ang bayad sa chupa at sa tira, makikita na ang pagkikipagtalik ay
lumalabas sa usapin ng pagnanasa. Nagiging sagot na sa pinansyal na
pangangailangan ang pakikipagtalik sa isang lalaki. Isang patunay na si Illiac
ay isa lamang MSM nang hahalikan na siya ng kanyang customer at sinabi niyang
bawal. Maaring gawin simbolo ng natitirang pagkalalaki ni Illiac ang kanyang
labi sapagkat hindi nito pinapadampi ang labi ng isang lalaki.
Ano nga ba ang “sugar
daddy”? Ang nakikita kong depinsyon ng “sugar daddy” sa kasalukuyang panahon ay
isang lalaking nagbibigay ng pera o nagsusustento sa isang tao. Ang ng bakla
bilang nagbibigay ng pera kapalit ng panandaliang aliw ay isang negatibong
imahe na ipinakita ng pelikula. Ang customer ni Illiac ay nagpunta sa masahihan
hindi lamang para sa isang masahe ngunit para na rin sa aliw, sa pagkuntento sa
sekswal na pagnanasa. Sa kabila ng kaalaman na pagkatapos ng sesyon kasama si
Illiac ay wala nang hihigit pa ay kumagat pa rin ang customer. Maaring makita rito
na ang mga bagay sa buhay ng isang bakla ay “temporary”. Dahil ito nga ay
temporary lamang ay hinahayaan na lamang nila na kahit sa isang saglit ay sila
naman ang pagnasahan kahit sa huli ay babalik lang ito sa kanilang girlfriends.
Ang pagiging temporal ng mga bagay sa buhay ng bakla ay nagtutulak sa kanila
para gawin ang mga bagay na ito.
Nakita ang
dalawang imahe ng bakla, ang bayaran at ang nagbabayad. Ang dalwang ito ay
mayroon lamang nais makuntento sa kanilang buhay. Sa binabayran ay ang
pangangailangan nito ng salapi upang matustusan pamumuhay at sa nagbabayad ay
ang panandaliang aliw na mahirap gawing pamatagalan sapagkat temporary lang ang
mga bagay sa buhay ng mga bakla.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento