Nagiisang anak ni Mang Colas si Petra, isang
bakala sa una niyang asawa na siyang namatay. Kilala si Mang Colas bilang
malupit sa mga kabayo at dahil sa kalupitang ito ay simpa siya ng diyosa ng mga
kabayo na siyang mapapasa sa kanyang anak na lalaki. Noong bata pa man si Petra
hilig na nito ang paglalaro ng manika at pagaayos ng buhok kung kaya’t sa
kanyang paglaki siya’y nahumaling sa pagaayos sa mga itsura ng kanyang mga
kababayan. Makikita na siya ay nabubuhat ng kalesa at naglalakad-lakad sa
kanilang bayan. May isang tagpo kung saan sinabi ng tatlong manang sa na:
“Bakit nga ba nagkaganyan ang anak ni Colas? E ang ama niyanay
saksakan ng bagsik sa pagkababaero aba ang anak bakla.”
Makikita
rito ang pagtanggap noong dekada ’80 sa mga bakla – kaugalian at pananamit.
Sa
pagkamatay ng kanyang ama ay napagisipan ni Petra na subukin ang kapalaran sa
Maynila kung saan kasama niya ang kanyang batang kapatid na si Pinky. Ang
pagpasya nila na pumunta sa Maynila ay buhat ng kalupitan ng kanilang inang si
Anya, ang pangalawang ina ni Petra.
Sa
Maynila ay nanirahan sila sa iasng paupahang apartment kung saan niya nakilala
ang isang pilyang bata na si Sugar. Sa unang kita ni Sugar kay Petra ay kinutya
nito ang pagiging bakla.
“Ay
bakla” “Bulldog na bakla”
Ang tanging makakapagpawalambisa sa sumpa ay
ang pagawa ni Petra ng tatlong mabuting gawain o noble deeds na siya namang
nagawa ni Petra.
Makikita
rito ang pagumpisa ng pag”stereotype” sa mga bakla bilang isang katatawanan.Ang
paggamit sa isang bakla bilang pangunahing tauhan ay maaring hindi
kinakailangan ngunit pinagpasayahang gamitin ang bakla upang magsilbing
nakakatawa ang pelikula. Naging imahe ng katatawanan ang bakla sa pamamagitan
ng pagmamalabis ng paggalaw, pananalita, at reaksyon ng pangunahing tauhan na
siya namang nagampanan ng mahusay ni Reoderik Paulate.
Ang ganitong
pagsasalamin sa bakla ay madalas ipinapakita ng mga mainstream films sapagkat
ito ang papatok sa mga manunuod. Nagkakaroon ng tinatawag na novelty o ang
pagkakaroon ng bagong paraan upang maghatid ng aliw at katatawanan sa mga
manunuod.
Ang isang tagpo na siyang nagpapakita na kahit anong mangyari hindi magtatagpo ang labas at loob ng isang bakla. Noong kinausap ng pilyang kuting ang kapatid ni Petra at sinabi na:
"Kaya siya galit sayo kasi naiinggit siya. Kasi hindi siya mabubuntis."
Maari na magawa ng bakla ang maging mukhang babae ngunit hindi nito maabot ng buo ang estado ng mga babae. Hindi nila kayang magbuntis at magdala ng bata sa ating mundo.
Sa
kabila ng pagpapakita ng ganitong imahe ng bakla, nagawa pa rin naman ipakita
ng pelikula ang kahalagahan ng kalooban. Sa huli mas mahalaga pa rin ang kabutihan ng loob ng tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento