Naging magandang
representasyon ng pagtingin ng lipunan noong dakada 90 ang pelikulang “Pusong
Mamon” ni Joel Lamangan noong 1998 kung saan ang pangunahing tauhan ay si
Annie, isang babaeng may pagnanasa kay Ron, isang tagong bakla.
Pinagsamantalahan ni Annie si Ron noong gabing lasing ito at nabuntis si Annie.
Hindi malay si Annie na si Ron ay mayroong ka-live in na lalaki
na ang ngalan ay Nick. Nanirahan si Annie kasama ang dalawa at naging mahirap
sa kanya ang pagtanggap ng realidad na iyon. Sa huli ay natanggap din ni Annie
ang realidad na ito at tuluyang pinalaya na sina Ron at Nick.
Marahil si Annie ang naging representasyon ng heterosexual
matrix sa lipunan. Naging importante ang kanyang presensya sapagkat sa kabila
ng heterosexual matrix na itinatakda ng lipunan nagawang tanggapin ni Annie ang
homosexuality
Maaring sabihin na
malaki ang naging hakbang ng usaping bakla mula dekada 80 papuntang dekada 90.
Sa dekadang ito, hindi na lamang naging usapin ng pagtatagisan ng loob at labas
ang usapan. Dito rin umusabong ang terminong MSM o Men who have sex with men.
Ang MSM ay ang pakikipagtalik ng isang lalaking straight sa kapwa nito lalaki
na hindi ibig sabihin ay bakla na ito. Ang pagusabong ng MSM ay maituturing na
nakadagdag pagkalito sa loob ng usapin ng kabaklaan. Ang Naging mahirap para sa
lipunan ang pagtutukoy kung sino ba ang bakla at hindi. Maaring sabihin na
nagkakaroon ng pag “generalize” sa mga lalaki bilang bakla. Laging mayroon
question sa isip ng isang tao tuwing makikita nila ang mga lalaki lalo pa kung
ito ay may kasamang lalaki. Ngunit babalik at babalik pa rin tayo sa depinisyon
ng bakla bilang isang lalaking effeminate na mayroon pagnanasa sa kapwa lalaki
o ang desire.
Ang ganitong pagdududa ng mga tao ay nakita sa presensya ng
kapitbahay nina Ron at Nick. Sapagkat lagi nilang nakikita ang dalawa na
magkasama bumubuo sila ng konklusyon na bakla ang mga ito. Nang dumating naman
si Annie sa bahay nawala ang ganitong pagtingin ng kanilang kapit bahay. Maari
ring awing simbolo ng kawalang mala yang batang kapitbahay. Ang batang kapit
bahay nila Ron ay siyang mismo nagsasabi na bakla ang dalawa dahil magkasama
sila. Maaring makita na pati ang batang hindi malay sa mga nangyayari ay may
ganitong pagtingin na rin.
Nakita ko rin ang importansya ng paglaladlad o sa ngayon ay
tinatawag natin na pag “out”. Sa pelikula hindi masabi ni Ron ang tunay niyang
pagkatao sapagkat natatakot ito sa kanyang tatay. Ang tatay niya ay kilala
bilang isang matapang na lalaki kung kaya’t inaasahan na ang anak nito ay
ganito rin. Kung mapapansin ay may pagkatulad ito sa “Petrang Kabayo at Pilyang
Kuting”. Makikita na sa lipunan nagkakaroon ng “expectation” na maging katulad
ng puno ang bunga nito. Sa usapin ng “gender” maaring sabihin na hindi ito ang
kaso. Maaring makita na ang pagkatao ng isa ay “extension” ng pinagmulan nito
ngunit bubukas ang isa pang usapin na nakakawit sa kabaklaan bilang isang
pamimili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento